Friday, August 14, 2009

Super Mega Over Sa Nega

Finally, an update--but not a pleasant one at that. And because I'm in a weird mood, this post is a code-switching post. Chikahan lang, wala masyadong pseudo-philosophical musings tungkol sa buhay ko na hindi ko naman alam kung nairerelate niyo ba naman sa buhay niyo. Sa wakas 'no? Hallelujah.

So, how's my life? Ayun. Nobody cares. That's the whole point. The rest are details. And the details go like this:

OO, IKAW NA. IKAW NA ANG MAYAMAN!
Ang mas nakakabadtrip lang sa pagkalibing six feet under my usual poverty line, ay ang knowledge na yung mga taong pinakakinaaasaran ko ay parang hindi naghihirap. Eepal pa rin sa pasalubong galore, at parang hindi nauubusan ng pang-gas kahit nagdagdag nanaman sila ng singil per liter. Hindi naman siya malnourished. At lalong hindi din siya naliligaw na bata para mag-offer kayo ng hatid-sundo. Nako, wala nang maibababa ang self-esteem ko. Tinatamad nakong mag-self pity kasi forever na lang kayong ganyan. Hintayin niyo lang pag yumaman ako, at naging corporate superpower. Kahit sa panaginip ko lang mangyayari yun, lagot talaga kayo sa'kin. Bwahahaha.

IKAW NA ANG MAHAL NG LAHAT!

Ako kasi, hindi. Ewan ko ba. Yung feeling lang na ang dami dami mong kakilala, pero madalas parang wala ka pa ring friend. Oh dear, ang emow. Bakit ba naman kasi ang pangit ng schedule ko. Wala tuloy akong friends. At bakit ba naman kasi, napaka-introverted ko minsan. Ako din naman kasi 'tong hindi nagsheshare. At kung minsan naman ay trip kong magshare, hindi naman ata nila halatang seryoso na yung problema ko kaya hindi namin napapagusapan nang seryoso. Promise, sa lahat siguro ng parte ng blog na 'to, dito lang ako seryoso. Hindi lang ako makapag-uber emo kasi binusog ko na ang sarili ko sa KFC burger meal at menthol lights. At mas maigi na siguro ang ganun.

IKAW NA ANG MATALINO!
Mayabang na, fine. Pero hindi ako sanay sa buhay petiks. Mas sanay ako sa buhay na hinaharass ako ng mga tao, na may significant part ng group work na pababayaan at idedepende nila sakin. Pero simula nung pumasok ako sa UP, ako na si petiks. Paano ba naman, ang galing nilang lahat, at mas magagaling sila sa'kin. Feeling ko pa ayaw nung isang prof ko sa'kin. Hahaha.

IKAW NA ANG KARESPE-RESPETO!
Minsan, feeling ko, napakalaki kong push-over. Siguro alam kasi nila na hindi ako ganun ka-tapang. Ako yung tipong hindi marunong pumalag kahit dapat na. Kaya minsan, pakiramdam ko ay walang-wala akong authority over certain people. Lagi na lang ako yung inaasar, at nagiging clown. Masaya naman, nakakatawa. It's just that sometimes, I find myself looking for more than just that.

So ayun lang naman. I'll probably be telling stories next time.

Nga pala, kung mababasa 'to ng mga taong close sa'kin, wala akong galit sa inyo. :D Parte lang 'to ng annual depression syndrome ko. Haha.

At the end (or middle pa lang pala) of the day, even if--in my depressive, warped opinion--nobody cares as much as I would like them to, ayus lang 'yun. I know you love me naman. XOXO. LOL.

3 comments:

Anonymous said...

Naks naman. Ang ganda ng blog mo, Rizza. Inspiring!

Anonymous said...

Oops. 'Di pa pala ako nagpapakilala. Si Dien pala 'to. :D

Rz F said...

Wow, may nagcomment na sa wakas. :)) Whahaha, salamat Dien. :P Ibblogroll ko yung blog mo. Sana wag kang maglipat ng blog agad. Haha. :D

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

ShareThis

labels are for posts, not for people

Copyscape

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape